why baka usagi? Blog Gifts Reviews Literature
♪Pagka't Sa'yo Lamang♪
Tuesday, September 29, 2009 | 3:18 PM | with 0 rabbits | add more :3




 
♪Pagka't Sa'yo Lamang♪





ito naman ang script kong ginawa para sa aming pelikula..sana ay matulungan nyo ako sa pag-iisip ng magandang titulo para sa gawa kong ito..at sana rin ay maibigan nyo ang storya..^_^

~~~~~~~~~~~
Scene 1
Setting: Sa bahay nina Ashley..sa kalsada..sa school(top view or side view tas closer view..) tapos..sa hallway sa loob ng isang blg.
(rock song insert here)
Ashley: (Humahangos na bababa sa hagdan at kukuha lang ng tinapay sa mesa at isusubo sa bibig..magbebeso sa nany at magpapaalam..nagmamadaling tumatakbo)Male-late na ko!
(habang tumatakbo..ipapakita ang view ng school..with students na papasok rin..)Ako si Ashley..at ito ang storya ng una kong pakikipagsapalaran sa tinatawag nilang..”pag-ibig”..
(habang tumatakbo ay ngumiti sya..hawak ang isang sulat) this is it!
(biglang inagaw ng isang nagbibisikleta ang sulat..si Lance..nagulat si Ashley at hinabol ito upang kunin ang sulat..bumaba si Lance sa bisekleta at habang inaayos sa parking lot ay ianaasar parin si Ashley at iwinawasiwas ang sulat)
Lance: (tawang nakakaasar)Para kanino to ha? Kaw ah!!Para sakin to no!!
Si Lance..ang napakapilya at makulit kong kaibigan na mamamatay ata nang hindi ainugulo ang buhay ko..
Ashley: bitawan mo yan! Hindi yan para sayo!! Wuy!!(naghabulan sila hanggang sa pasilyo..)
(nabangga ni Ashley si Eirik at nabitawan naman ni Lance yung sulat..parang huminto ang mundo..pinulot ni Eirik yung sulat..nanlaki ang mga mata ni Ashley..)
Ashley:(pabulong)naku..sana di nya mahalata(tingin ng masama kay Lance)humanda ka sakin kapag nalaman nya!
Eirik: (tumingin kay Ashley) sayo to diba? (iniabot sabay ngiti..nagulat si Ashley..ginulo ni Eirik ang buhok niya..nakangiti ito..at saka umalis..)
sya
(nang masiguradong wala na ito ay hinampas nya si Lance..napaaray ito..)
Ashley: Muntik na yun ah! Akala ko malalaman na nya!!ikaw kasi eh!
Lance: Para sa kanya pala yan?
Ashley: (namula…kinilig nanag maalala ang nangyari kanina )..pinansin nya ako!! ♥ Hindi ako makapaniwala!Yaah!!
Lance: Tigilan mo nga yan..halika na..pumasok na tayo(naglakad na sila papasok ng room..)


Ashley:(ipapakita si Erik na naglalakad sa may corridor..kapag nagbabasa..ngumingiti..)Sya naman si Eirik..ang crush ko…hay..

(Seeting: sa room)
Karen: (nakaupo sila sa desk ng upuan..) ahaha!! Crush mo yung taong yun? At disedido ka pa talaga ah..love letter..ang old fashioned!!hahaaha!!
Ashley:(pinapatahimik si Karen) Wag ka maingay, baka may makarinig sayo..(si Lance, pinipigil ang pagtawa)Anong nakakatawa??
Lance:(tumayo..naglakad-lakad at sumipol..nang-aasar..)may girlfriend na yun..hhhaha..yung magandang model sa kabilang school..haha..(lumapit kay Ashley at nilagay nito ang hintuturo nya kay Ashley)kawawa ka naman..hahaha!!
Ashley: Umalis ka na nga!(naasar)
(Umalis nga ito ng room pero nang-aasar parin ang hitsura)
Karen: Pahiram ng notes..
Ashley: Pero may exam tayo bukas?
Karen: (inagaw na lang ng kusa)wag ka ng magreklamo..nakakalimutan mo na ba? Ako lang ang tunay na kaibigan mo rito sa klase naten..at kung di dahil sakin..baka marami ng nambully sayo..Wag kang mag-alala..tutulungan kita pagdating dyan sa crush mo..
Ashley:(nakatungo ang ulo..)P-pero..
Karen: O sige..alis muna ako ha? Haha..matalino ka naman eh..(lalabas ng room kasama ang iba nyang kaibigan na nakairap kay Ash,,.mag-iisa na lang sya..)
Ashley(monologue): Minsan, naiisip ko kung kaibigan ko nga ba si Karen..totoong sya ang una kong naging kaibigan rito..pero..hindi kaya..sumusobra na sya..? Ngunit kahit gusto kong umangal..ay hindi ko magawa..hindi ko masabi ang gusto kong sabihin..haay..bakit ba ako ganito?

Scene 2
Setting: Daanan..sa loob ng UE
(Mag-isa..pauwi..)
Ashley: (tinatry na kontakin si Ashley sa cellphone..)h-hello? Karen..nakalimuatn kong sabihin sayo..
Karen: (sa kabilang linya..setting: bedroom)Ano yun?
Ashley: May ginagawa ka ba..? May aatenan kasi ako na Aquiantance Party mamayang gabi eh.pwede mo ba akong samahan? W-wala kasi akong Kak-
Karen: Pasensya ka na may sakit ako..(umubong pakunwari..at pinutol kagad ang linya..)
Ashley: hay..binaba na nya..
Ano nang gagawin ko..nakapangako na ako sa pinsan ko na ako ang proxy nya sa party na yun..hay..

Scene 3
Setting: sa field..ayusin na lang nag set up.
(sa Aquiantance Party..magulo..madameng tao..nag-iisa lang si Ashley..)
Ashley: Wala man lang akong kakilalang makita rito..siguro..dapat umuwi na lang ako…
Bystander 1: Andyan na raw ang main guest!! Dali!
(nagulat sya nang magkagulo ang mga tao at sundan ang sumigaw..)
H-huh? Anong nangyayari..? (dahil dito ay natangay sya sa agos ng mga tao at naipit rito..)
Ashley: T-teka! Palabasin nyo ko!! Naiipit ako…Sandali lang!! Tulong!!
(walang anu-ano’y may humila sa kanyang kamay palabas sa dagsa ng mnga tao..[hindi ipapakita ang mukha ng tumulong sa kanya sa camera]..Nang makaalis sila sa lugar na yun ay hiningal si Ashley sa pagod.)
Ashley: (hinga..hinga.)S-salamat..(naglalakad na ng bahagya ang lalaki nang itaas ni Ashley ang paningin para makita ang lalaki..malalakad sana sya para habulin ito..ngunit nabali ang takong nya..dahil dito ay nadapa sya.. Dahil dito ay napalingon sa kanya ang lalaki..at itinayo sya..)
Ashley: S-salamat..haha..pasensya na.. (nang itaas nya ang kanyang paningin ay nagulat sya sa nakita..si Eirik ito..nanlaki ang kanyang mga mata..)
Eirik: Ayos ka lang?
Ashley: K-kuya Eirik?!
Eirik: Ha?.. kilala mo ko?
Ashley: oo nga pala..hindi naman nya ako kilala..

(insert mellow background song here..)
(Napatingin si Erik sa paa nya.napansin agad ng lalaki ang sanhi ng pagkadapa nya…maya-maya pa ay hinubad nito ang kanyang suot na rubber shoes at ibinigay kay Ashley..
Ashley: H-huh?(nagulat ang babae..nag-aalinlangan.)
Erik: Suotin mo na..(nang hindi ito kunin ngbabae ay sya na ang kusang naglagay nito sa kamay nya..pagkatapos nito ay tumalikod na sya..lumingon..at tumalikod ulit..)
Erik: mag-iingat ka na sa susunod..Ashley(yun lang at umalis na ito)
Ashley: (nashock..background song gradually inc. here..) p-panung? Alam nya ang pangalan ko??

Scene 4
Setting: Labas ng library sa may hagdan, hapon wala nang ganung tao..
Pagkalabas nang Library sa 6th floor..maghahagdan sana sya.,.nang makita si Erik sa isang corner..nakatingin sa kawalan..
Ashley: (nagulat..)ah..(nag-iisip ng sasabihin..)
Eirik: (napatingin sa kanya..) Ikaw pala yan..ikaw yung kahapon di ba?
Ashley: Ha? (nagulat..napapraning) Ou! Maraming salamat sa pagpapahiram ng rubbershoes mo! Pasensya na abala kahapon..(naalala bigla ang rubbershoues at hinalukay sa kanyang bag..binaba ang bag nya at iniabot ang rubbeshoes)(napapraning)Maraming salamat talaga!!
Eirik: Nakauwi ka ba ng maayos?
Ashley: (nagulat siya sapag-iiba ng tanong nito)ha? (tumango ito..)
Eirik: (Napatingin sa kanya ang lalaki..saka ngumiti..tumayo..at lumapit kay Ashley..)
Ashley: (dahil palapit sa kanya ang lalaki at nakatingin pa ito sa kanya ay napatingin ito sa ibaba)
Eirik: (walang anu-ano ay hinalikan nya ito sa labi..[hindi naman makikita dahil nakasandal sa pader si Ashley at ang view ay nasa likod ni Eirik..ipapakita ang panlalaki ng mga mata ni Ashley..sandali lang nangyari yon,,umiwas kagad ng tingin si Ashley..])
Eirik: Wag mong sabihing..ito ang -? (tumakbo agad si Ashley dala ang kanyang gamit..)
(view: hinihingal si Ashley na nagtago sa isang kwarto..still inshock pa din..closer view:dahan-dahan ay hinawakan nya ang kanyang labi..)ang first kiss ko..
(naet view: iapkikita si Erik na mag-isa..nakatungo ang ulo..closer view: ngingiti siya)
Scene 5
Setting: sa canteen..kumakain sila..
Karen: pasensya ka na talaga nung isang araw ah..di bale..mamaya ay magsisimula na ko..
Ashley: Ha? Anong magsisimula..?(naguguluhan..)
Karen: Ilakad ka kay Erik Pineda(nang marinig ni Ashley ito ay nagflashback sa kanyang alaala ang nangyari kahapon..)..malamang..close kami..hindi mo ba alam? Pareho kami ng school na pinanggalingan..mamaya..makikita mo..lalapitan ko sya..
Ashley: Hindi mo na.. kailangang gawin pa yun..haha..ikaw talaga..
Karen: Ha?
Ashley: Wala..wala..

Setting: Sa hallway..makikita nila si Erik..paiwas ang tingin ni Ashley..si Karen naman ay lumapit agad kay Erik..guess what? Niyakap nya ito..nagulat si Ashley
Karen: Namiss kita Eirik..(medyo inaya nyang lumayo ng konti para hindi marinig ang usapan nila..)
(view: Ashley: ganun nga siguro sila kaclose..[nakatungo ang ulo..])
Eirik: (Naiilang..) Ano na naman ba to ha? Akala ko ba tapos na saatiun ang lahat..anu’t-
Karen: (Tinakpan niya ng isang daliri ang labi ng lalaki) makinig ka..may isang babae rito na nababaliw sayo..parang stalker..sinusundan nya ang bawat kilos mo..hindi sya maganda at napakasama ng ugali nya..kaya mag-iingat ka..
Eirik: Ha? Anong?
Karen: (nagpaapawa face)Pero dahil kaibigan ko sya..gusto ko syang tulungan..kaya ingatan mo sya ha? Wag mo syang sasaktan..kasi..malalagot ako sa kanya..[Pabulong: As if naman na magkakagusto sya sa babaeng yon,,)
Karen: ( palayo na sa lalaki..) So pano..bukas..9 ha..?(kinindatan si Eirik..)
(bumalik na si Karen kay Ashley..wala na sa scene si Eirik..umalis na ito..)
Karen: Tagumpay, girl!(hinawakan nya ang kamay nito at masayang masaya) Inaaya ka nyang makipaggroup date!!
Ashley: Ha?(nagulat)
Karen: Nu ka ba..ibig sabihin nun interesado rin sya sa’yo..siguradong sa susunod ay solo na lang kayo..maghintay ka lang at dadating din yun! Go, girl!(niyakap si Ashley..umirap ito..)I’m so happy for you!!(pagkatapos nyang yakapin ay lumakad na ito..)o panu..bukas na lang!(nakangiti ito..at umalis na..)
(other view: habang tumatakbo sya palayo..closer view: sarcastic na ngiti)
(naiwan si Ashley na di makapaniwala sa nangyari..)
(other view: nasa likod ng isang pader si lance..nakatungo ang ulo..)

Scene 6
Setting: sa isang kwarto sa bahay..
(pinapaganda ni Karen si Ashley para sa magaganap na date,,)
Ashley: Sa tingin mo magugustuhan nya ako kapag nagganito ako?
Karen: Ou naman..gustung-gusto ni Eirik ang mga babaeng sophisticated..
Ashley: Talaga? Maraming salamat ha..Karen..
Siguro nga..nagbago na si Karen..nagiging napakabait na ang trato nya sa akin..tunay na kaibigan ko nga sya…

Setting: sa isang restaurant or kahit saang kainan..
(nagsama lang si Eirik ng isang kaibigan..bale..4 lang sila..nagkakasayahan ang lahat..maliban kay..Ashley)
Eirik: Anong nangyari sa mukha mo..? Ang kapal ng make up mo..
Karen: Pasensya ka na ha..Eirik..alam mo kasi itong kaibigan ko, yan talaga ang style nya sa pagmemake up.. (nagulat si Ashley sa mga narinig..sinisiraan sya ni Karen sa harapan ni Eirik..)
yung parang alam mo na..kasi desperada yang makahanap ng boyfriend eh..
Ashley: Nagkamali ako..bakit mo to ginagawa sakin Karen? Gusto kong idepensa ang sarili ko..at kontrahin sya pero..wala akong lakas ng loob..wala akong kwenta..
Karen: pasensya ka na sa ugali ng kaibigan ko ah..ganyan talaga sya eh..haha
Ashley: Mahina parin ako..duwag..(bigla syang tumayo…at biglang tumakbo..)
(closer view:nakita ni Eirik na umiiyak ito habang tumatakbo …susundan sana sya ni Eirik ngunit pinigilan sya ni Karen)
Karen:Hayaan mo na sya!
Eirik: P-pero! (at tumingin sa direksyon kung san pumunta si Ashley)

(another view:
Setting: sa labas ng restaurant..kalye)
(tumatakbo itong umiiyak..makikita sya ni Lance na noo’y inilalakad ang kanyang bisekleta at mukhang may binili lang sa convinience store.)
Lance: Ashley, ikaw ba yan?
Ashley: (napalingon ito sa nagsalita at nang makilalang si Lance ito ay lalong lumakas ang iyak nya at napayakap rito. Nagulat si lance..namula..)
Lance: A-anong nangyari sayo?? Bakit ka umiiyak..may umagaw ba ng lollipop mo ha? Haha..
Ashley: (naasar) Ikaw naman eh..! Lagi ka na lang ganyan..hmp..(singhot..)
Lance: ( pilit na pinipigilan ang tawa..)haha..anong nangyari sa mukha mo?? Whahaha!! Anong klaseng alokabok sa mukha ang nilagay mo!! Ang gara!! Hahaha!!!(sumimangot ito ngunit hindi na sya umiiyak..)
(nagulat sya ng lumapit sa kanya si Lance..sumeryoso ang mukha..kinabahan si Ashley)
Lance: Pumikit ka..
Ashley:A-ano?! T-teka..
Lance: Pumikit ka sabi eh..
(pumikit nga ito..nagulat sya ng punasan ni Lance ang mukha nya at labi nya para mawala ang makapal nyang make-up at lipstick)…
Lance: Hahaha..hindi bagay sayo..ayan..wala na..dumilat na..(dumilat nga ito)kaw ah..kung anong iniisip mo no??Akala mo siguro hahalikan kita no..hahaah..asa ka pa!!
Ashley: Ewan ko sayo!!
(naglalakad na sila kasama ng bike)
Lance: Bakit ka nga pala nakasuot ng ganyan ha? At bakit ka umiiyak kanina..?
Ashley:(yumuko ito..)Sasabihin ko sayo sa isang kondisyon..
Lance: O sige..
Ashley: Wag kang tatawa..seryoso to..(tumango naman si Lance)
Narration: At sinabi nya nga ang nangyari kanina..
Lance:Ganun??!! Sinabi nya yun sayo!!? Ang sama nya..!(tinakpan ni Ashley ang bibig nya dahil ang ingay nito)eh..anung ginawa ngcrush na crush mong si Eirik ha? Pinagtanggol ka ba nya?(umiling ito..)
Hay…kung ako yun..pinagtanggol na kita..ang sama nya..
Ashley: Hindi naman siguro..(namalayan nilang nasa tapat na sila ng bahay nina Ashley kaya nagpaalam na ito..)
Lance: O sige..una na ko..
(ngumiti lang si Ashley at kumaway..)


Scene 7
(Nang minsan mapadaan s Ashley sa may canten ay agad na napansin ito ni Karen at sarkastikong ngumiti..sinadya nyang maglambing kay Eirik..asiwang asiwa naman si Eirik sa kanya at pinapalayo ito..dahil sa nakit ay patakbong umalis si Ashley at nagtago sa loob ng isang bakanteng silid.nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha…)
Ashley: Bakit parang sinasadya nyang gawin iyon kay Eirik kapag nakaharap ako..? Bakit sya ganun…? Bakit..?(mahinang mga hikbi..)
(hindi nya napansin na naglilinis roon si Lance..cleaner sya ng araw na yun..)
Lance: O ikaw pala..iyaking panget, tresspassing ka ah..nung ginagawa mo sa kwarto namin ha? Nasa kabila ang room ng pinakamamahal mo..
(lumapit ito sapagkat hindi sya knibo ni Ashley)
Alam mo..ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko..
Ashley: ewan ko sayo..teka..sino yung una..
Lance: si Ashley kapag nakangiti sya..(dahil sa sinabi ni Lance ay napangiti ito at tumigil na sa kakaiyak)
Ashley: Weeh…Corny..haha..
Lance: Corny daw? Eh ba’t ka tumatawa?
Ashley: Hindi ah!
(other view: nakatingin sa kanila si Eirik..malungkot ito..)

Scene 8
(Nagulat si Ashley nang makita nya sa labasan si Eirik..sa halip na batiin nya ito..katulad nang kanyang ginagawa parati ay iniwasan nya lang ito..hinabol sya ni Eirik at pinigil,,)
Eirik:(patakbong lumapit sa kanya) Pauwi ka na?
Ashley: (nagulat..)Ikaw pala..kuya Eirik..ou..pauwi na ako..
Eirik: Wala kang kasabay?(umiling lang si Ashley)Kung ganun..sabay na tayong umuwi..
(napatingin si Ashley sa kanya..ngumiti si Eirik..)
(Other view: naglalakad na nang sabay sina Eirik at Ashley..sa malayo ay makikita si Lance..may dalang bike..at nakatingin sa kanila..)
Eirik: Sorry at hindi kita napagtanggol nung nakaraan..pinigilan kasi ako Karen..sorry..galit ka ba?(tinitigan nito si Ashley)
Ashley: Ha? Hindi ah..ayos lang..nauunawaan kita kuya Eirik..bakit ganito na lang ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit kapag sya..andali kong mapatawad..? Ganun kaya talaga pag mahal mo ang isang tao..?
Eirik: Ganun ba? Haay..(hingang malalim)mabuti na lang..!(ngumiti ulit ito..)akala ko kasi talagang hindi mo na ako kakausapin eh..
Ashley: ganun?
Eirik: Dahil di ka galit..ililibre kita ngayun..! Ayos ba?
Ashley: Ok..bakit hindi ako makahindi sa kanya? Ngiti nya pa lang..natutunaw na agad ako..

Scene 9
Setting: sa classroom..
(nakaupo si Ashley sa upuan nya..biglang kinuha ni karen ang notes nya,)
Karen: Pahiram…(nakangiting sarkastiko)
(bahagyang tumungo si Ashley..)
Ashley: Hindi ako papayag na hindi ko maipagtanggol ang sarili ko this time..tama si kuya Eirik..dapat matuto na akong humindi sa kanya!
Ashley: Bitawan mo yan..
(napatingin si Karen sa kanya..nagulat..napatingin din ang mga kaklase nya sa kanila..nagbulung-bulungan ang mga ito..nagtaka sila sa biglaang kinilos ni Ashley)
Karen: Ha?? Anong sabi mo?
Ashley: Bitawan mo sabi yan!(napatayo ito)
Karen: Aba..at marunong ka ng kumontra sakin ngayon..
Ashley: Hindi na ako magpapaapi sayo kahit kelan!
Karen: Yan ba ang natutunan mo sa pagsama-sama sa EX ko?
Ashley:(nagulat..) Ex? Hindi..wag mong sabihing…
(biglang pumasok sa eksena si Lance..kinuha ang hawak ni Karen na notebook)
Lance: Tigilan mo na yan..(nakatingin ito kay Karen..ibinigay ang notebok kay Ashley) Masamang kumuha ng gamit ng hindi iyo..
(bahagyang kinotongan si Ashley..nagulat ito)
Ikaw naman..halika ka nga..(hinatak nya ito sa labas ng room..)
Ashley: Nagsinungaling ka sak-
Lance: Pasensya ka na..ang totoo nyan..si Karen nga ang tinutukoy kong gf nya nung nakaraan..kelan lang sya nakipagbreak kay Eirik..nung gabi ng Acquiantance Party..
Ashley: A-alam mo ang tungkol sa-?
Lance: Nandun rin ako..sorry talaga at hindi ko sinabi sayo ng maaga, ayoko lang na masaktan ka kapag nalaman mo..akala ko kasi..hindi nya gagawin yun..akala ko hindi nya sasabihin sayo..sorry..
Ashley: (nakatungo ang ulo..)ayos lang..(nagsisimula na itong umiyak..)siguro nga hindi ako kahit kailan..tinuring na kaibigan ni Karen..siguro nga..(napasubsob ito sa dibdib ni Lance..niyakap naman sya ni Lance..)
Lance: Wag ka na umiyak(nakatingin sa ibang direksyon..namumula) Ang panget mo..
Ashley: Anong sabi mo?
Lance: (bumunghalit ng tawa)Yung uhog mo, lumalabas!!haha!
(pinahid ng panyo ang sipon nya,,)
Ashley: Hmmpp!!!(maya-maya ay natigilan sila at sabay na tumawa ng malakas..)
Bakit hindi ko naisip na may kaibigan naman pala ako..sa katauhan ni Lance?

Scene 9
Setting:Sa room
(Nagulat si Ashley nang makita nya roon na naghihintay sa kanya si Eirik)
Eirik: andyan ka na pala..
Ashley: bakit kaya sya..nandito..hinhintay nya ba ako?
Eirik: Gusto kitang makausap..kaya andito ako..
Ashley: Tungkol saan?
Eirik: Nalaman kong..nasabi nya na pala sayo..
Ashley: (tumango ito)
Eirik: Nakipagbreak sya sakin nung..gabing yon..nung party..kaya siguro..nagawa ko sayo yun kinabukasan..sorry ha..?
Ashley: A-ayos lang..
Eirik: (insert sad love song here)Kahit ganun sya..minahal ko parin sya..hindi ko alam pero..hanggang ngayon..nalulungkot pa rin ako..kasi feeling ko..hindi nya naman talaga ako minahal..
Ashley: Wag ka ng malungkot..(napatingin si Eirik sa kanya..)
Nauunawaan kita..siguro nalulungkot rin sya ngayon..siguro may magandang dahilan sya kung bakit nya nagawa ang bagay na yon..l-lagi mo lang tatandaan na parati akong..nandito para sayo..k-kaya..wag ka ng malungkot..
Eirik:(ngumiti ito..)Salamat..
Ashley: ngayon na ang tamang panahon para ipagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Kuya Eirik….Eirik..
Eirik: Ano yon..?
Ashley: Gusto kong malaman mo na..m-mahal kita!
Eirik: ganun ba? Pasensya ka na..(nanlaki ang mga mata ni Ashley sa narinig..hindi nya inaasahang iyun ang sasabihin ni Eirik)
Ashley: P-pero..
Eirik: Pasensya ka na, hindi ko pa kayang makipagrelasyon sa iba ngayon..dahil..sa..hindi pa ako handa..isa pa..hindi ko alam ang..nararamdaman ko para sayo ngayon..kung gusto ba kita o hindi..pasensya ka na talaga
Ashley:(pinipigil umiyak)a-ayos lang..ayos lang ako..(at bigla itong tumakbo palabas..)
(nakatungo pa rin Eirik..)
(other view: Tumatakbo si Ashley sa pasilyo..nakabunggo niya si Lance na patungo sa room..nagulat si Lance nang magpatuloy parin ito sa pagtakbo..nakita nyang umiiyak ito..)
(next view: Biglang natauhan si Eirik..napatda siya at akma ng tatakbo..upang sundan si Ashley, ngunit nang makalabas ito ng kwarto ay nakita nya si Ashley na umiiyak kay Lance. Yakap-yakao ni Lance ang babae..Natigilan sya..at napatungo na lang ang ulo.. )
(other view: paalis si Karen..)

Setting: sa may parking lot
(humahangos si Eirik..lumapit sa kanila)
Eirik: (hinawakan nyang bigla sa kamay si Ashley)Sorry sa mga sinabi ko kanina..Ashley..hindi ko sinasadyang-
Lance: Tumigil ka na pwede ba..?(binawi si Ashley sa kanya at hinawakan sa ulo)..sa akin sasama si Ashley..uuwi na kami..umalis ka na..
(Hindi alam ni Ashley ang gagawin nya..)
Eirik: Ashley..sorry..
Lance: (nakabike na sya..)Halika na..(pinili ni Ashley na sumakay sa bike at sumama kay Lance..habang nagsisimula na sa pagpidal si Lance ay malungkot syang tumingin kay Eirik..)

Scene 11
Setting: sa may field..nakaupo sila sa may puno..magkatalikuran..
Lance: Hindi man ako ang gusto mo..ipinapangako ko naman na..hindi kita iiwan..hindi kita..paiiyakin..ako ang magtatanggol sayo kapag may nang-api ulit sayo..
Ashley:(nakatingala sa langit)…5-10 years mula ngayon..ganito pa rin kaya tayo..?
Lance:ha? Hindi siguro..
Ashley: bakit?
Lance: Malay mo..magkapareho na tayo ng apelyido..haha(ngumiti ito at lumapit kay Ashley)
Ashley: nye..haha..
Lance: Ipangako mo sa aking..hindi ka na aasa pa sa kanya ulit..
Ashley: Pangako..(ngumiti ito)
(sign of promise)(insert love song here..)
(otherview: nakasilip sa kanila si Eirik..malungkot ito..sa kabilang banda..si Karen naman ay nakangiti ng sarkastiko..)
Scene 12
Setting: sa daan..malakas ang ulan..si Ashley ang may hawak ng payong..maksama sila ni Lance..masaya silang nag-uusap..
Eirik:(mula sa malayo..humahangos…)Ashley!!(napalinmgon si Ashley..nagulat sya ng makita si Eirik..wala itong payong..basang basa na ito..)
Ashley: kuya….Eirik?(napatingin rin si Lance kay Eirik ..at kay Ashley..)
Eirik: mahal kita!! Narealize ko na mahal kita Ashley! Patawarin mo ko..mahal kita!!
(nagulat si Ashley sa narinig..agad kumawala ang luha sa kanyang mga mata..)
Ashley:(heartbeat..heartbeat)m-mahal nya ako..?hindi..anong gagawin ko..?
(bigla syang napatingin kay Lance..ngunit hindi sya makatyingin ng diretso..)
Ashley:(heartbeat..heartbeat) Hindi ko pwedeng talikuran na lang ng basta-basta si Lance..pero..pano ang nararamdaman ko..siya parin ang laman ng puso ko?
Lance:(hinawakan nya sa balikat si Ashley at pinatalikod ito..nababasa na si Lance ng ulan..)Ayokong makita mo ang mukha ko..salamat sa ulan na ito..(niyakap nya ang likuran ni Ashley..pumatak ang luha nito..pagkatapos ay tumalikod sa ibang direksyon )Umalis ka na Ashley..
(nanlaki ang mga mata ni Ashley)
Ashley: P-pero..
(..akmang lilingon sya kay Lance ngunit)
Lance: Wag kang lumingon sakin..!Ayokong makita mo ang mukha ko..sige na..Napakatanga ko kapag pinigilan ko ang babaeng mahal ko sa pagkamit ng kaligayahan nya..Ipinapangako ko na aagawin kita s kanya kapag sinaktan ka nya ulit..Sige na.. umalis ka na..bago pa ako umiyak..! Alis na!(sad song here)
(walang nagawa ito kundi lumakada at lumapit kay Eirik..bigla syang niyakap nito…dahil dito ay nabitawan nya ang payong..nakayuko si Lance..nakatalikod sa kanila..tahimik na umiiyak..kasabay ng pagpatak ng ulan..)

(next view: mag-isa na lang roon si Lance..basang-basa ng ulan..nagulat sya ngnawala ang ulan.,.pagtingin nya sa itaas nakita nya si Kren na sinusukuban sya ng payong..)
Karen:(nakangiti ito..)Hmmpp..tumayo ka d’yan..talunan..(itinayo nya ito)
Lance: Bakit ka nandito?(hindi nakatingin ng diretso kay Karen)hindi mo na kailangang gawin to kung naaawa ka lang sak-
Karen: Alam ko kasi na umiiyak ka ngayon..
Lance: Andaya mo talaga..(yumakap ito kay Karen..bahagyang nagulat si Karen ngunit ngumiti rin ito..)
(dubbing with scenes)
Ashley: Siguro nga ganun talaga..(..nagsusulat sa diary nya..biglang dumatying si Eirik at nagngitian sila..)
Lance: (nakahiga sa kama..may termometer sa bibig..nakasimangot..) kung sino yung taong gusto mo..minsan..hindi pala sya talaga ang para sayo..
Karen: (pumasok sa silid ni Lance na may haewak na mga prutas..) Hindi mo inaasahan ang isang pagong pag-ibig na mabubuo..
Eirik: minsan..kung sino pa yung minahal mo ng lubusan..sya palang nanloloko lang sayo..
Ashley: May mga taong mahal ka nang hindi mo pa alam..
Lance: Ngunit hindi laging masaya kapag nagmamahal..may punto na masasaktan ka..
Ashley: May punto na masasaktan ka..
Karen: May punto na..magmamahal ka ulit..
Eirik: Ngunit sa bandang huli..
Lahat sila: Nasa atin parin ang desisyon kung paano natin ipaglalaban..
Lance: o ilelet go..
Ashley: Ang isang pag-ibig na..
Karen: maaaring para sayo..
Eirik: O hindi..
~~~~~~~~~~~

Labels: , , , , , , , , ,

Back to the TOP ?

Some Reminders☆⌒(>。≪)
You're now walking into my territory. The rules are simple! No ripping and no spamming! And this is an OTAKU blog. If you don't like ANIME and MANGAfeel FREE to leave.

The Clover Searcher
I'm Ayu. nineteen years old. a proud to be Filipina. student of  University of the East-Caloocan, taking up Financial Management. I art, domo-kun, rilakkuma, literature, photography, Jpop, Jculture, anime, manga, cosplay and Asian dramas.

My Clover petals
audrey
chelsea
cominica
jw megan
konayachi
samadrita
selenium
shawty
mae
kristen
huamulan03
madeline
morla
naka
veronica

Lucky Button


Garden of Memories
Shines through the Darkness
Schizophrenic Craziness
Madaya
Isang Sulyap sa Nakaraan
Grown-up Bride
Catastrophically Matured
Are You Afraid?
Ang Trahedya
A Quest in searching for the Truth: CODE GEASS R3


Twinkling Thanks
Layout designed by F-lying|heartsx3|yours truly
Colors taken from HTML Color Codes
Body and date background taken from FivePointsApart
Main banner from
Others